MANILA, Philippines – Hiniling kahapon ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian kay Pangulong Aquino na pirmahan na nito upang maging batas ang Overseas Workers Welfare Administration Act para sa benepisyo ng mga OFW at kanilang pamilya.
“We hope the President will see the wisdom of immediately signing this for the sake of our OFWs who contribute heavily to our economy. I pray that this measure will be signed immediately as this will benefit millions of OFWs and their immediate families,” wika ni Rep. Gatchalian ng Valenzuela City.
Nakapasa na sa bicameral ng Senado at Kamara ang OWWA Act na ang layunin ay protektahan ang OFWs contributions para sa kanilang kapakanan kung saan si Gatchalian ang may-akda ng HB 2053 at substitute HB 4990 na ipinadala kay PNoy upang malagdaan bilang batas.
“This measure will also ensure that their contributions will not be used to fund the administration and maintenance of the agency,” ayon kay Gatchalian, na kamakailan ay nagbigay ng tulong sa pamilya ni Mary Jane Veloso para madalaw ito sa isang kulungan sa Jakarta, Indonesia.
Dagdag pa ni Gatchalian, ang panukalang batas na ito ay magrereporma sa OWWA upang masiguro ang transparency sa paggamit ng OWWA funds at palakasin ang paniniguro na maayos na magagamit ang kontribusyon ng mga OFW.