Ping may solusyon sa NGCP tower bombings

Si Lacson ay nagtungo sa Ozamiz City sa rehiyon nang maimbitahan para ipaliwanag ang natatangi niyang adbokasiya para masulit at mapakinabangan ng tamang sangay ng lipunan ang mga malaking salapi na natitipid sa kaban ng bayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.PCOO/Robert Viñas, File

MANILA, Philippines – Mas malalim na intelihensiya ang kailangan ng mga awtoridad sa Mindanao upang mapigilan ang pag-atake ng masasamang loob sa mga pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang ahensiyang nangangasiwa sa suplay ng kuryente sa buong bansa.

Ito ang nakikitang epektibong solusyon ni  dating Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson sa paulit-ulit na malawakang brown-out na nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng naturang rehiyon bunga ng pambobomba sa mga tore ng kuryente ng NGCP.

Si Lacson ay nagtungo sa Ozamiz City sa rehiyon nang maimbitahan para ipaliwanag ang natatangi niyang adbokasiya para masulit at mapakinabangan ng tamang sangay ng lipunan ang mga malaking salapi na natitipid sa kaban ng bayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang pamimerhuwisyo ng masasamang loob sa mga pasilidad ng NGCP ay naganap ilang buwan na ang nakakaraan pero hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring kongkretong impormasyon ang mga awtoridad kung sino ang may kagagawan at dapat managot sa mga ito.

Ayon pa kay Lacson, kung hindi lalaliman ng mga awtoridad ang pangangalap ng intelihensiya, patuloy na magmimustulang bulag ang mga ito na matalisod lamang ng konti sa mga dinadaanan ay siguradong may hindi magandang mangyayari. 

“But if you have accurate intelligence, then pwede mo maplano talaga masorpresa ang kalaban mo,” paniniyak pa ng dating mambabatas na magbabalik-Senado upang ipagpatuloy ang mga naumpisahang krusada laban sa katiwalian.

Show comments