MANILA, Philippines – Isang taon makalipas ang madugong bakbakan, muling kinasuhan ang nasipang Philippine National Police Chief Alan Purisima sa pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force SAF.
Naghain ng usurpation of authority ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban kay Purisima dahil sa umano’y pagmamando sa SAF sa habang siya ang suspendido sa pwesto.
Nagbabala naman si VACC Chair Dante Jimenez at sinabing ang reklamo nila kay Purisima ay masusundan pa ng iba pang kaso laban kay Pangulong Benigno Aquino III.
Nakatakda rin anilang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide si Aquino sa Hulyo, pagkatapos ng kaniyang termino bilang pangulo.
Nitong Hulyo 2015 ay kinasuhan na ng Office of the Ombudsman ng neglect of duty si Purisima, gayundin sina dating SAF director Getulio Napeñas at walo pang ibang opisyal ng PNP.
Nahaharap din sa kasong graft and grave misconduct sina Purisima, Napeñas at Chief Superintendent Fernando Mendez Jr.