Diwa ng EDSA I naglaho na – Enrile
MANILA, Philippines – “Naglahong parang bula!”
Ganito inilarawan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang diwa ng EDSA People Power I, 30 taon matapos itong mangyari.
Isa si Enrile sa mga itinuturing na haligi ng EDSA Revolution na nagpatalsik sa puwesto kay dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon pa kay Enrile, hindi dapat ipinagdiriwang tuwing Pebrero 25 ang Edsa Revolution kundi tuwing Pebrero 22 kung kailan umano nila itinaya ang kanilang buhay sa paglaban kay Marcos.
Gugunitain ngayong Pebrero 25 ang ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power I pero hindi tiyak ni Enrile kung kabilang siya sa mga iimbitahan sa selebrasyon.
Bagaman at tiniyak na rin ni Enrile na hindi na siya makikiisa sa gagawing pagdiriwang ng gobyerno sa nasabing okasyon.
Bukod kay Enrile, maituturing ring haligi ng EDSA sina dating pangulong Fidel Ramos at Sen. Gregorio Honasan.
- Latest