Drilon supalpal kay Enrile
MANILA, Philippines – Sinopla kahapon ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang dami ng mga ipinagmamalaking panukalang batas ni Senate President Franklin Drilon na naipasa ngayong 16th Congress.
Ayon kay Enrile, karamihan naman sa mga naipasang panukalang batas ay lokal ang aplikasyon katulad ng pagpapalit ng pangalan ng mga kalye o pagdaragdag ng kama sa mga ospital.
May mga naipasa rin aniyang panukala na dinaan na lamang sa “pakiusap”.
Ayon kay Enrile walang batas na naipasa ang 16h Congress na may national impact o panukala na magbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan sa hinaharap.
Sinabi pa ni Enrile na walang senador sa ngayon ang maaring ikumpara sa mga senador noong nakaraan kung saan karamihan ay hindi na dumadalo sa sesyon o nagpapa-check na lamang ng attendance.
Ipinagmalaki ni Drilon na simula Hulyo 2013 hanggang Febrero 4, 2016, na nasa 116 panukala ang nilagdaan ni Pangulong Aquino upang maging ganap na batas o 300 panukalang batas ang halos na-aksiyunan ng Senado ngayong 16th Congress.
- Latest