4 disqualification cases vs Duterte ibinasura

MANILA, Philippines – Ibinasura na kahapon ang apat na disqualification cases na inihain sa Commission on Elections (Comelec) laban kay presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Nangangahulugan na wala ng balakid para sa kaniyang kandidatura dahil hindi naman nagtagumpay ang hiling na makansela ang kaniyang certificate of candidacy (COC) sa kawalan ng merito ng mga petisyon.

Ayon kay Commissioner Christian Robert Lim, chairperson ng Comelec First Division, unanimous ang naging resulta ng botohan sa mga miyembro ng dibisyon.

Partikular na ibinasura ang petisyon nina Ruber Castor, John Paulo dela Nieves dahil sa kabiguan niya na makasipot sa preliminary conference, gayundin ang petisyon nina Atty. Ely Pamatong at Rizalito David dahil sa kawalan ng merito.

Dahil sa desisyong ito, sinabi ni Lim na qualified na tumakbo sa pagkapa­ngulo si Duterte at kasama pa rin ang kanyang pa­ngalan sa listahan ng mga kandidato.

 

Show comments