Lolo wagi ng P49.5-M sa 6/42 lotto
MANILA, Philippines — Isang 73-anyos na lalaki mula South Cotabato ang kumubra ng kaniyang P49.5-milyon na premyo sa 6/42 lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules.
Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II na tumataya sa lotto ang winner para sa kaniyang 14 na anak.
"Kahit matagal ay answered prayers naman," sabi ng bagong milyonaryo kay Rojas.
Tinamaan ng nag-iisang winner ang number combination na 4-12-19-25-29-35 upang maiuwi ang P49,562,348
Tatlong beses sa isang linggo nilalaro ang 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
- Latest