MANILA, Philippines – Hinimok kahapon ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian ang mga botante na piliin ang mga kandidatong may malinaw na plataporma para sa good governance makaraang lumala ang corruption sa gobyerno sa pinakahuling Corruption Perceptions Index 2015 ng Transparency International.
Ayon kay Rep. Gatchalian ng Valenzuela, ang perception ng taumbayan sa pagpapatuloy ng corruption sa ilalim ng Aquino government ay dahil sa patuloy na pagkabalam ng mga desisyon ng Ombudsman laban sa mga kinasuhang cabinet members at matataas na opisyal na malapit kay Pangulong Aquino.
“The people should vote for candidates with a strong, proven commitment to clean the government-- which includes making everyone accountable to the law, even if they are family, friends, or colleagues. The next batch of public officials should also be committed to making the benefits of economic growth accessible to everyone,” dagdag ni Gatchalian na pambatong senador ng NPC sa May 2016 elections.
Naniniwala din si Gatchalian na kapag nanalo ang presidential bet ng Partido Galing at Puso na si Sen. Grace Poe ay walang maiiwang Filipino sa mga oportunidad kapag gumanda ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
Magugunita na si Gatchalian ang may-akda ng House Bill No. 5905 o “Free Higher Education Act,” na mag-subsidize sa tuition fee sa all state universities and colleges (SUCs) para sa current at future enrollees na nakapasa na sa committee level ng Kamara.