MANILA, Philippines – Iminungkahi ng Department of Justice (DOJ) ngayong Lunes na ilipat ng kustodiya si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa Philippine Navy (PN) oNational Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ng DOJ sa pamamagitan ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva sa dalawang pahinang liham na kailangang ialis ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Marcelino.
Nauna nang hiningi ng Armed Forces of the Philippines si Marcelino upang anila’y matiyak ang kaligtasan niya.
BASAHIN: Demolition job kay ex-PDEA official Marcelino – abogado
Nadakip si Marcelino nitong Enero 21 sa isang buy-bust operaton sa shabu laboratory sa Sta. Cruz, Manila kasama ang isang Chinese national na si Yan Yi Shou.
Nasa kustodiya ngayon ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) sa Camp Bagong Diwa ng BJMP si Marcelino na dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Iginiit ni Marcelino na isang special mission ang kaniyang ginagawa sa shabu laboratory nang maganap ang raid.
Sinabi rin ng kampo ni Marcelino na isa itong demolition job na pakana ng mga kasalukuyang opisyal ng PDEA.