MANILA, Philippines – Buong kasiyahang ibinalita sa harapan ng aabot sa 2,000 bilang ng mga estudyante at professor ni Senatorial Candidate at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez ang pagpasa ng kongreso sa inihain nitong batas na naglalayong tax free sa mga People’s with Disabilities (PWD) habang mainit ang ginagawang balitaktakan mula sa mga guest senatorial aspirant ng ANC Run Down 2016 Leadership forum na ginanap sa University of the Philippines (UP) Film Theater kahapon.
Hindi naiwasang ipagsawalang kibo ni Romualdez na isang abogado at pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa) ang ginawang personal na pagtawag rito ni House Speaker Sonny Belmonte para ipabatid sa kongresista na ganap ng batas ang House Bill No. 1039 na agad naman nitong inihayag sa harapan ng mga estudyante at mga professor ng UP kabilang pa ang libo-libong taga panood ng ANC na pinangunahan ni Karen Davila bilang host ng nasabing forum.
Ang HB No.1039 ay ang batas ng “Malasakit” o tax exemption para sa may mga kapansanan at huwag ng patawan ng 12 percent value added tax (vat) ang bawat goods at services para sa mga ito.
Nagpasalamat din sa kapwa mambabatas si Romualdez na magkatuwang na iniindorso sa pagka senador nina Vice Pres. Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na kapwa tumatakbo bilang presidente ng bansa dahil sa pagsang-ayon ng mga kasamahan sa kongreso sa pagpasa ng house bill no 1039 o “Malasakit” bill.