MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Aquino na magpatuloy ang peace process sa Moro Islamic Liberation Front kahit tapos na ang termino nito.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, inatasan ni Pangulong Aquino si Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita Deles na gumawa ng action plan upang maisulong ang usapang pangkapayapaan sa MILF pagkatapos ng Aquino administration.
Ito’y sa harap ng pahayag ng liderato ng Senado at Kamara na mahirap nang maihabol na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago ang halalan sa Mayo 2016 o sa loob ng administrasyon ni Aquino.
Magugunita na nabigo ang Kamara na maipasa ang BBL sa kabila ng naging apela ng Pangulo.
Hanggang Peb. 3 na lamang ang session ng Kongreso bago ang election break at magbabalik sa Mayo 23 para sa Congressional canvassing of votes.
Marso 27, 2014 nang lagdaan ang peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF.