^

Bansa

OMB chair Ricketts sinuspinde ng 90 araw ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinailalim sa 90 days preventive suspension ng Sandiganbayan si Optical Media Board (OMB) chair Ronnie Ricketts upang bigyang daan ang pagbusisi sa kasong graft na may kinalaman sa lihim na paglalabas sa compound ng OMB ng mga nakum­piskang pirated CDs at DVDs noong 2010.

Ayon sa Ombudsman, mandatory na isyuhan ng suspension order si Rickets.

Ayon sa korte, ang pagsuspinde sa mga ina­akusahan sa kasong graft ay hindi nangangahulugan na pinaparusahan na ang mga akusado.

“The Court has no discretion neither can it ascertain or calculate whether the accused is capable of committing the acts sought to be prevented by the suspension, more to the point, the court has neither the discretion nor duty to determine whether preventive suspension is required to prevent the accused from using his office to intimidate witnesses or frustrate his prosecution or continue committing malfeasance in office,” ayon sa korte.

Bunga nito, inatasan ng Ombudsman ang Office of the President na nangangasiwa sa OMB na ipatupad ang suspension kay Rickets.

Nagpalabas din ng cease at desist order ang Ombudsman upang huwag munang makapagtrabaho ang kapwa akusado ni Rickets na sina Manuel J. Mangubat, Joseph Dineros Arnaldo at Glenn Sarming Perez.

ACIRC

ANG

AYON

BUNGA

GLENN SARMING PEREZ

ISINAILALIM

JOSEPH DINEROS ARNALDO

MANUEL J

OFFICE OF THE PRESIDENT

OPTICAL MEDIA BOARD

RONNIE RICKETTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with