^

Bansa

Bayad sa guro sa eleksyon P6K na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasado na sa dalawang chamber ng Kongreso ang panukalang taasan ang honorarium ng mga guro na magsisilbi sa panahon ng eleksyon mula sa dating P3 libo na ginawang P6-libo. Sa bisa ng panukalang batas, hindi na sapilitan kundi voluntary ang paglilingkod ng mga public school teachers sa eleksyon.

“Sa hinaba-haba ng panahon, ang mga gurong pampubliko ang nagsisilbing tagapangalaga ng sistema natin sa halalan simula sa araw mismo ng halalan at hanggang sa bilangan ng boto,” ani Romualdez.

Dapat anyang pasa­lamatan ng bansa ang kanilang paghihirap, sabi ni Romualdez.

Sa ilalim ng Senate Bill 2178 o ang panukalang Election Service Reform Act (ESRA), papayagan na ang public school teachers na mamili kung tatanggapin nila ang trabaho sa halalan na mandatory noong mga nakalipas na halalan.

Para sa mga gurong nais na magsilbing Board of Election Inspectors (BEI), bibigyan na sila ng mas mataas na bayad.

Ipinasa rin ng Mababang Kapulungan ang panukalang ESRA, kung saan ang honorarium ng mga guro ay itataas mula P3,000 tungo P6,000 para sa chairman ng BEI, P3,000 tungo P5,000 naman para sa mga miyembro. Ang supervisors ng Department of Education na dating natanggap ng P3,000 ay magiging P4,000 na at P1,500 tungo P2,000 para sa support staff.

Kahit ang travel allowance nila ay tataas din ng mula P500 tungo P1,000.

Sinisiguro din ng panukalang batas ang dagdag sa death bene­fits nang mula P200,000 hanggang P500,000 at ang medical assistance din sa gayung halaga para sa injuries na makukuha sa pagganap ng tungkulin sa halalan.

Ayon sa mambabatas, ang mga nabanggit na panukala ay daan para kilalanin at ipakita ng pamahalaan ang pagkalinga nito sa kanila dahil sa ‘invaluable contributions’ nila sa system of free, fair, clean and credible elections.”

Nagbigay pugay si Romualdez sa mga sakripisyo ng mga public school teachers, lalo sa mga nasa lugar na ipinalalagay na ‘election hotpots’ kung saan matin­di ang labanan ng mga kandidato na nauuwi sa karahasan.

Si Romualdez, three-term congressman, ay tumatakbo bilang senador sa darating na halalan.

ACIRC

ANG

AYON

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

DEPARTMENT OF EDUCATION

ELECTION SERVICE REFORM ACT

MABABANG KAPULUNGAN

MGA

ROMUALDEZ

SENATE BILL

SI ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with