Grab bike, motorcycle ipinahinto ng LTFRB

MANILA, Philippines – Kinansela ng pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng grab bike at grab motorcycle sa kumpanya  ng Grab taxi kung ayaw nitong makansela pati na ang kanilang operasyon sa taxi service o taxi on-line service.

Sa ipinalabas na kautusan ni LTFRB Chairman Winston Gines, sinabi nitong dapat na mabusisi muna ng husto ang pagpasok ng grab bike at grab motorcycle dahil hindi  naman ito naaprubahan pa ng ahensiya.

Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB nang makarating sa ahensiya ang sumbong na bukod sa Grab taxi ay mayroon na rin itong Grab bike at Grab Motorcycles na naghahatid sundo sa mga pasahero laluna kung matindi ang traffic sa Metro Manila.

Sinasabing mas mabilis at agad nakararating sa kanilang destinasyon ang mga pasahero kayat marami ang gusto na sumakay sa grab bike at grab motorcycles

Sinumulan ng GrabBike ang serbisyo noong Nobyembre 2015 mula Makati at Bonifacio Global City.

 

Show comments