TARLAC CITY, Tarlac, Philippines - Pinangunahan ng mga governatorial bet at mayoralty aspirant ang covenant signing sa Tarlac para sa May 2016 elections.
Ayon kay P/Senior Supt. Alex Sintin, PNP provincial director, sa pamamagitan Memoramdum of Agreemanet (MOA) ay nangangako ang mga kandidato na iwawaksi ang karahasan at buo ang suporta sa matagumpay at makabuluhang pagsasagawa ng Secured and Fair Elections (SAFE).
Pinaalalahanan naman ni Commission on Elections Provincial Elections Supervisor Fernando Cot-om ang lahat ng mga kandidato na sumunod sa electoral process.
Kabilang na ang pagsumite ng Statement of Contributions and Expenses at wastong paglalagay ng mga tarpaulin sa mga itinalagang lugar.
Bukod sa Comelec at pulisya, nagsilbing saksi rin sa pagpirma ang Department of the Interior and Local Government, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, Northern Luzon Command, community-based organization, media, mga estudyante, at mga religious group.
Nagwakas ang okasyon sa pagpapakawala ng puti at violet na lobo sa harap ng San Sebastian Cathedral na sumisimbolo sa pag-abot sa SAFE.