^

Bansa

Mga kandidato, pumirma sa MOA para sa 2016 elections

Pilipino Star Ngayon

TARLAC CITY, Tarlac, Philippines - Pinangunahan ng mga gover­natorial bet at mayoralty aspirant ang covenant signing sa Tarlac para sa May 2016 elections.

Ayon kay P/Senior Supt. Alex Sintin,  PNP provincial director, sa pamamagitan Memoramdum of Agreemanet (MOA) ay nangangako ang mga kandidato na iwawaksi ang karahasan at buo ang suporta sa matagumpay at makabuluhang pagsasagawa ng Secured and Fair Elections (SAFE).

Pinaalalahanan naman ni Commission on Elections Provincial Elections Supervisor Fernando Cot-om ang lahat ng mga kandidato na sumunod sa electoral process.

Kabilang na ang pagsumite ng Statement of Contributions and Expenses at wastong paglalagay ng mga tarpaulin sa mga itinalagang lugar.

Bukod sa Comelec at pulisya, nagsilbing saksi rin sa pagpirma ang Department of the Interior and Local Government, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, Northern Luzon Command, community-based organization, media, mga estudyante, at mga religious group.

Nagwakas ang okasyon sa pagpapakawala ng puti at violet na lobo sa harap ng San Sebastian Cathedral na sumisimbolo sa pag-abot sa SAFE.

ALEX SINTIN

ANG

ELECTIONS PROVINCIAL ELECTIONS SUPERVISOR FERNANDO COT

MEMORAMDUM OF AGREEMANET

MGA

NORTHERN LUZON COMMAND

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

SAN SEBASTIAN CATHEDRAL

SECURED AND FAIR ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with