MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Korte Suprema kahapon ang anim na bagong hukom ng Sandiganbayan.
Sinabi ni spokesman Theodore Te na hahawakan ng mga bagong hukom ng anti-graft court ang dalawang bagong dibisyon.
Dagdag niya na nanumpa na kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang tatlong bagong hukom na sina Ma. Theresa Mendoza-Arcega, Zaldy Trespeses at Geraldine Faith Econg na itatalaga sa Sixth Division.
Kay Associate Justice Francis Jardeleza naman nag-oath taking sina Seventh Division associate justices Michael Frederick Musngi, Reynaldo Cruz at Karl Miranda.