MANILA, Philippines – Pinangangambahan ng mga empleyado at kasapi ng Philippine Weathermen and Employees Association (PWEA) na magkaroon ng “exodus” ng mga weathermen sa Philippine Atmospheric Geophysical Services Administration-Department of Science and Technology (PAGSA-DOST) kapag hinayaang maaprubahan ang pagbasura sa Republic Act 8439 o ang Magna Carta for Science and Technology Workers sa bansa.
Ayon kay PWEA President Ramon Agustin, economic disaster sa kanilang hanay ang panukalang i-repeal o amiyendahan ang nabanggit na batas na nagbibigay ng karagdagan benepisyo sa mga manggagawa ng DOST at iba pang agency ng gobyerno.
Nilinaw ni Agustin na hindi sila tutol sa proposal salary standardization law na magbibigay ng 11% increases sa monthly salary ng isang government employee.
Pero nakasaad sa provision ng SSL na ibabasura ang RA 8439 dahil ito ang source of funding na nakikita ng Department of Budget and Management.
Kapag natuloy ang proposal ayon kay Agustin, 90% ang mawawala sa average monthly salary ng isang weatherman.
Wala na aniyang magagawa pa ang isang weatherman kundi ang umalis sa PAGASA at maghanap ng mas marangal na trabaho.
Sa record ng PWEA 30% na ang weatherman na umalis sa PAGASA at nangibang bansa dahil sa alok na malaking salary.
Ayon sa grupo magsasagawa sila ng everyday protest rally tuwing 12:00-1:00 ng hapon upang iparating ang kanilang hinaing.