Demolition job kay ex-PDEA official Marcelino – abogado

MANILA, Philippines – Dahil sa kaniyang pagiging kritiko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naniniwala ang kampo ni dating PDEA official Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino na isang demolition job ang pagkakaaresto sa kaniya.

Sinabi ng abogado ni Marcelino na isa itong paninira sa pangalan ng kaniyang kliyente na kilala sa pagtugis ng mga nagtutulak ng ilegal na droga at pagsugpo ng mga ilegal na droga sa bansa.

"I believe right now that there is an ongoing demolition job against Col. Marcelino and trying to destroy his integrity and credibility as an anti-drug crusader in this country," pahayag ng abogadong si Dennis Manalo sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

Nitong nakaraang linggo ay nasakote si Marcelino sa isang shabu laboratory sa Maynila kasama ang isang Chinese national Yan Yi Shou.

Iginiit ni Marcelino na inosente siya at legal ang kaniyang paglalagi sa shabu laboratory ay bahagi ng Operation Plan Moses ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines.

Sa tingin ng kampo ni Marcelino ay ang kasalukuyang pamunuan ng PDEA ang nasa likod ng demolition job.

"He has been a serious critic of the agency's performance... That is a possible motive why he is being cornered right now and being asked to prove his innocence when in fact, he should be presumed innocent, he should be presumed to have acted regularly," wika ni Manalo.

Sinabi pa ng abogado na rehistradong tipster si Yan sa PDEA at nagsasagawa sila ng inspeksyon nang maganap ang raid.

"If the direction of the case of this incident will proceed following the lead made by the leadership in the PDEA then this will not result in a prosecution of a drug maker, of a drug dealer. This will be the crucifixion of an anti-drug crusader," patuloy ni Manalo.

Si Marcelino ang namuno sa pag-aresto sa tinaguriang Alabang Boys" noong 2008 at iba pang high-profile drug stings at pagdakip.

 

Show comments