MANILA, Philippines – Upang mapaghandaan ang climate change sa bansa, hinikayat ni House Speaker Feliciano Belmonte ang lahat ng government offices at mga ahensiya nito na mangolekta ng tubig ulan.
Sa House Resolution 2577, sinabi ni Belmonte na isang seryosong usapin ang isyu ng climate change dahil sa nakaamba nitong epekto sa kapaligiran na nangangailangan ng agarang aksyon at alternatibong paraan nang pagtitipid ng publiko at pribadong sektor.
Bukod dito, dahil sa climate change ay maapektuhan ng malaki ang suplay ng tubig kaya ngayon pa lamang ay dapat na gawan ito ng paraan para mapaghandaan.
Kaya isa sa suhestiyon ni Belmonte ay ang rainwater harvesting kung saan iipunin, dadaan sa filtration at iimpok ang tubig ulan upang magamit kapag kulang ang suplay ng tubig.
Paliwanag pa ng Speaker, ang Pilipinas ay dumaranas ng ulan ng hanggang 4,064 millimeters kada taon na malaki ang maitutulong kapag tagtuyot.
Ang rainwater harvesting umano ay ginagawa na ng iba’t-ibang banta sa buong mundo.
Giit pa ni Belmonte, seryosong bansa sa kalikasan ang epekto ng Climate change kaya kailangan nito ng drastic action at alternatibong paraan para sa pagtitipid ng tubig mula sa pribado at publikong sector.