^

Bansa

Caguioa bagong SC justice

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon ni Pangulong Aquino bilang bagong miyembro ng Korte Suprema si Justice Sec. Alfredo Benjamin Caguioa.

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Caguioa nitong Enero 22 at ipinadala na ito kay Chief Justice Lourdes Sereno.

Pinalitan ni Caguioa ang binakanteng pwesto ni Associate Justice Martin Villarama noong Enero 16.

Si Caguioa ang ika-anim na appointee ni Pangulong Aquino sa Korte Suprema kasunod nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Marvic Leonen, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe at Francis Jardeleza.

Pinili ni Aquino si Caguioa mula sa final list na inirekomenda ng Judicial and Bar Council (JBC).

Samantala, itinalaga rin si Justice Undersecretary Emmanuel Caparas bilang acting DoJ secretary.

Batay sa profile ng kalihim sa DoJ website, tinawag itong “seasoned, well-respected and highly regarded litigation practitioner” sa loob ng 25 taon lalo na sa commercial, civil at criminal litigation.

Humawak na rin itong bilang private prosecutor, defense counsel sa mga korte at sa Sandiganbayan.

Tinanggap siya sa Philippine Bar noong 1986 at pang-15th sa 1985 Bar Examinations.

ALFREDO BENJAMIN CAGUIOA

ASSOCIATE JUSTICE MARTIN VILLARAMA

ASSOCIATE JUSTICES MARVIC LEONEN

BAR EXAMINATIONS

BIENVENIDO REYES

CAGUIOA

CHIEF JUSTICE LOURDES SERENO

ENERO

ESTELA PERLAS-BERNABE

KORTE SUPREMA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with