MANILA, Philippines - Hinamon ni senatorial candidate at Leyte Rep. Martin Romualdez ang Department of Energy (DoE) na maglabas ng mga plano hinggil sa posibleng magaganap na failure of election sa Mindanao matapos ang sunud-sunod na pambobomba sa mga power transmission.
Sinabi ni Romualdez na dapat siguraduhin ng Aquino administration at DoE sa publiko na kaya ng gobyerno na sustinahin ang supply ng kuryente lalong lalo na sa darating na eleksiyon at kung hindi, ito ang maglalagay para ideklara ang sinasabing failure of election.
Kung hindi mabibigyan ng agarang solusyon ang mga pambobomba sa power transmission sa Mindanao ay may potensiyal na magkaroon ng failure of election. Ang nasabing rehiyon ay pangalawa sa may pinakamataas na voting population na may kabuuang 13 million botante.
Nanawagan si Romualdez na bigyang pansin ito ng gobyerno at papanagutin ang mga responsable sa pagpapasabog sa may 18 power transmission sa Mindanao nitong 2015 at kailangan itong mahinto, hulihin at papanagutin sa batas.