MANILA, Philippines – “I think the Filipino people deserve better."
Ito ang pahayag ni Sen. Sergio "Serge" Osmeña III tungkol sa Liberal Party (LP) at sa kanilang standard bearer Mar Roxas para sa nalalapit na eleksyon.
Sinabi ni Osmeña na hindi niya susuportahan ang LP sa Mayo 9, maliban sa kanilang vice presidential candidate Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
"I would say Mar Roxas group has proven itself to be pretty incompetent and I think the Filipino people deserve better," komento ni Osmeña sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.
Isa sa mga pinuna ng senador ang kapalpakan umano ng administrasyon na masolusyonan ang pampublikong transportasyon sa bansa, partikular sa Metro Rail Transit.
"The DOTC has been one of the most awful performing departments starting from terminal 1. Then the pork problem that we have, that's awful," dagdag ni Osmeña.
Samantala, malaki ang tsansang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kaniyang iendorso sa pagkapangulo dahil sa kaniyang "track record of being able to deliver good."
Sa kabila nito, nakilala si Osmeña na dating adviser ni Sen. Grace Poe na tatakbong pangulo ngunit tila wala siyang balak suportahan ang dating alaga.
Nauna nang sinabi ng beteranong politiko noong Setyembre ng nakaraang taon na tila isa nang trapo si Poe nang depensahan niya ang Iglesia Ni Cristo.