OPM artists kumanta para kay Leni

MANILA, Philippines – Sama-samang nagpakita ng suporta ang ilang sikat na mang-aawit at banda sa kandidatura ni Liberal Party (LP) vice president Leni Robredo sa pamamagitan ng isang fund-raising dinner-concert kamakailan sa Blue Leaf Pavilion.

Pinamagatang “Gabi ng Dangal, A Gala Dinner for the Vice Presidency”, kabilang sa mga nag-perform sina Bituin Escalante at Jim Paredes at bandang Periodiko, ACTS Philippines at The Company.

Bago umawit, nagpahayag si Escalante ng personal na mensahe ng suporta kay Robredo, na tinawag niyang boses ng mahihirap at inspirasyon.

“I am so proud as a Filipino to have someone like Leni Robredo to represent us,” wika ni Escalante.

Bago matapos ang dinner-concert na inorganisa ng mga kaibigan at supporters ni Leni, nagpasalamat si Aika, panganay na anak nina Leni at yumaong DILG Secretary Jesse, sa suporta ng mga nagtanghal at mga dumalo.

Sa kanyang Facebook account, nagpasalamat si Leni sa walang kapagurang mga volunteer sa matagumpay na dinner-concert.

Si Leni, isang pro bono na abogado, ay matagal na hinawakan ang mga kaso ng mga naabusong kababaihan, at mga grupo ng mga manggagawa, magsasaka at mangingisda, bago tumakbong kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

Show comments