Tax-exempt ng Balikbayan boxes itataas sa P150K
MANILA, Philippines – Pasado na sa Senado ang panukalang itaas sa P150,000 mula sa P10,000 ang tax exemption ng mga Balikbayan boxes.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, layunin din ng panukala na i-overhaul at gawing moderno ang Bureau of Customs na isa sa mga sinasabing pinaka-corrupt na ahensiya sa gobyerno.
Tinatayang nasa $277 bilyong halaga ng buwis ang nawala sa gobyerno sa pagitan ng 1960 at 2011 dahil sa technical smuggling.
Kung maging batas, hindi lamang tataas sa P150,000 na halaga ng mga padala ng mga Filipino ang malilibre sa buwis kundi magiging libre rin sa buwis ang mga donasyon at relief goods kung may kalamidad.
Maiiwasan na rin ang “human intervention” o pagbulatlat sa mga balikbayan boxes dahil gagawing electronic na ang customs procedure at itataas ang parusa sa mga magtatangkang gamitin ang mga Balikbayan boxes sa smuggling.
- Latest