^

Bansa

Modernong barko na binili ng Pinas sa Indonesia, darating na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahang higit pang mapapalakas ang kapabilidad ng maritime patrol ng Philippine Navy kaugnay ng nakatakdang pagdating ng isa sa dalawang moder­nong Strategic Sea Lift Vessels (SSVs) na binili ng Pilipinas sa PT PAL, ang state owned ship building company ng gobyerno ng Indonesia kaugnay ng pormal na turnover nito sa Manila sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ilulunsad ang unang SSV sa PT PAL’s Subaraya shipyard sa Indonesia na dadaluhan ng mga opisyal ng nasabing bansa at ng mga matataas na opisyal ng Philippine Navy matapos naman ang paglagda sa kontrata mahigit 1 taon na ang nakalilipas.

“The acquisition is a very important milestone for the Philippine Navy and could hasten response during critical times. It can carry sizeable relief and humanitarian assistance and disaster response in critical areas around the country”, pahayag ni Padilla.

Sinabi ni Padilla na ang pagdating na unang SSV na binili sa Indonesia ay kaunaunahan rin sa naturang uri ng barko na mapapasakamay ng Philippine Navy bago ang pagbaba sa puwesto ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Nabatid na nabili ang dalawang SSV’s mula sa PT PAL sa halagang P 3.8 bilyon sa nilagdaang kontrata noong Nobyembre 18, 2014.

Nakasaad naman sa kontrata sa Indonesian state firm , na ang ikalawang SSV ay idedeliver sa Philippine Navy, isang taon matapos naman ang pormal na turnover ng unang barko o sa Mayo 2017.

Ayon sa PT PAL ang dalawang SSVs ay armado ng 76 Mm at 25 MM guns pero maari namang pumili ang Philippine Navy ng kontraktor nito sa weapon system.

Inihayag pa ng   AFP spokesman na ang SSV ay isa sa pinakamahal ang kagamitang nabili ng admi­nistrasyon para sa patuloy na pagsulong ng modernisasyon ng Philippine Navy  na maari ring magamit sa pagre-supply sa West Philippine Sea kung kinakailangan.

ACIRC

ANG

AYON

NAVY

NBSP

PADILLA

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

PHILIPPINE

PHILIPPINE NAVY

RESTITUTO PADILLA

SPOKESMAN BRIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with