Psycho test sa taxi drivers balak ng LTFRB

Ito ay ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, ay dahil ito ang nakikitang mga dahilan at paraan na maresolba kung bakit may mga nangongontratang taxi drivers at may mga dri­ver na may kakaibang ugali na dapat bigyang pansin at tulungang mabago. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isailalim sa psycho test ang mga taxi driver at busisiin ang boundary system na ipinaiiral ng mga taxi operators sa bansa.

Ito ay ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, ay dahil ito ang nakikitang mga dahilan at paraan na maresolba kung bakit may mga nangongontratang taxi drivers at may mga dri­ver na may kakaibang ugali na dapat bigyang pansin at tulungang mabago.

Sinabi ni Inton na mas mainam na mapagtuunan ng pansin ang naturang mga hakbang upang makatulong ang ahensiya sa pagbabago sa kundisyon ng buhay at pagkatao ng mga taxi driver sa bansa.

Sa ngayon, nasa P300 hanggang P500 ang take home na kita ng mga taxi drivers sa kada 24 oras na pagmamaneho nila. Umaabot naman sa P1,800 ang boun­dary.

Sinasabing mas lumiliit pa ang kita ng mga taxi dri­vers dahil sa epekto ng matinding trapik sa Metro Manila.

Sa ngayon, may apat ng taxi drivers ang naire­reklamo at nagte-trending sa social media makaraang gumawa ng hindi maganda sa kanilang pasahero.

Humahanap naman ng paraan ang LTFRB kung ano ang ilalapat na mas mabigat na parusa sa mga driver na minsan ay nana­nakit pa ng kanilang pasahero.

Sa ngayon, ang pagtanggal lamang ng drivers license ang ipinapataw sa mga abusadong drivers at walang malaking halaga na multa.

Show comments