MANILA, Philippines – Muling nanguna si Vice President Jejomar Binay sa presidential race, ayon sa pinakabagong Social Weather Station survey.
Umakyat ng 5 puntos ang rating ni Binay mula 26 percent noong December 2015 sa 31 percent sa isinagawang survey ng SWS sa may 1,200 respondents nito mula Enero 8-10.
Bumaba naman ng 2 puntos si Sen. Grace Poe na may 24 percent mula sa dating 26% habang ikatlo si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na may 21 percent kasunod si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 20 percent at Sen. Miriam Defensor-Santiago, 3 percent.
Ayon sa SWS, ang nationwide survey na ito ay mayroong margin of error na + or – 3 points para sa national percentage at + or – 6 percent naman para sa Metro Manila, Balance of Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesman for political affairs, lalo pang magsisikap ang Bise Presidente matapos na muling manguna sa SWS survey.
Magugunita na nanguna din si Binay sa Pulse Asia survey noong Disyembre 4-11 kung saan ay nakakuha naman ito ng 33 percent mula sa 1,800 respondents.
Samantala top bet pa rin si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa vice presidential race na may 28 percent, sinundan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., 25 percent.
Pumangatlo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, 17 percent habang si Sen. Alan Peter Cayetano ay nakakuha ng 14 percent.
Sen. Gregorio “Gringo” Honasan II, 8% at Sen. Antonio Trillanes IV, 3%.
Kaugnay nito, nangako naman si Binay na mas pagbubutihin pa ang pagtatrabaho para sa mamamayang Pilipino.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesman for political affairs, lalo pang magsisikap ang Bise Presidente matapos na muling manguna sa SWS survey.
“The Vice President is humbled by the people’s trust in his capability to lead our country. It will encourage him to work harder in order to demonstrate his actions to uplift our people’s lives, fight poverty and provide employment,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Quicho na patuloy na ipapaunawa ni Binay sa mamamayan na kailangan ng bansa ang isang taong may karanasan at competent leader upang puspusang magtrabaho para sa ikauunlad ng bansa lalo na sa kapakanan ng mga mahihirap.