Binay muling nanguna sa SWS presidential survey

Bise Presidente Jejomar Binay. Philstar.com/AJ Bolando, file

MANILA, Philippines – Nanatili sa tuktok ng presidential survey si Bise Presidente Jejomar Binay, habang bumaba si Sen. Grace Poe, ayon sa Social Weather Station survey.

Nakakuha ng 31 percent si Binay ngayong Enero, mas mataas ng 26 percent nitong nakaraang buwan.

Nasa ikalawang pwesto na lamang si Poe sa 24 percent matapos silang magtabla ni Binay noong Disyembre.

Ikatlo at ikaapat na pwesto naman sina Liberal Party standard bearer Manuel "Mar" Roxas II at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 21 at 20 percent.

Hindi naman gumalaw sa ikalimang pwesto si Sen. Miriam Defensor Santiago sa 3 percent.

Samantala, si Sen. Francis Escudero pa rin ang nangunguna sa vice presidential race sa natanggap na 28 percent, habang 28 percent si Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Tulad ng kanilang mga running mate ay nasa ikatlo at ikaapat na pwesto sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Sen. Alan Peter Cayetano sa 17 at 14 percent.

Tumabo naman sina Sen. Gregorio "Gringo" Honasan II ng 8 percent at Sen. Antonio Trillanes IV na may 3 percent.

Isinagawa ang survey nitong Enero 8 hanggang 10 sa 1,200 respondents mula sa buong bansa.

 

Show comments