^

Bansa

Walang Pinoy casualty sa Jakarta bombing! - DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na kabilang sa mga nasawi at nasu­gatan sa serye ng pag-atake, pambobomba at pamamaril sa Jakarta, Indonesia kahapon.

Base sa ulat, sunud-sunod na malalaking pagsabog ang naganap nang targetin ng mga suicide bombers ang mga lokasyon sa capital ng Indonesia kabilang na ang kilalang Starbucks café at isang busy shopping center malapit sa presidential palace.

Tatlo pang insidente ng pagsabog sa magkakatabing lugar ng Cikini, Silpi at Kuningan mapalit sa mga Embahada ng Pakis­tan at Turkey.

Isa pang sagupaan at barilan laban sa mga attackers ang naganap sa isang sinehan at retail complex. Nakitang nagkalat sa daan ang mga katawan ng mga nasawi at sugatan dahil sa  mga pag-atake. 

Mula sa footage na ipinalabas, dalawang suicide bombers ang pinasabog ang kanilang mga sarili sa labas ng Starbucks café habang pinaniniwalaang isang attacker ang naaresto habang nakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Pinalibutan ng Indonesian forces ang isang gusali na inatake pa ng mga militante na nagresulta ng matinding sagupaan matapos makarinig ng malalakas na mga pagsabog.

Ayon sa Indonesian Police, pitong katao kabilang ang apat na umatakeng suspect ang nasawi sa insidente matapos maki­pagbarilan sa mga pulis. Isang police officer at mga sibilyan kabilang ang isang dayuhan (hindi tinukoy ang nationality) ang kasama sa mga nasawi.

Nabatid na may 14 militante ang pinaniniwalaang sangkot sa serye ng pag-atake at pambobomba sa Jakarta kung saan pinaniniwalaang nakatakas ang iba.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

CIKINI

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

INDONESIAN POLICE

ISA

MGA

STARBUCKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with