^

Bansa

PNoy binira sa pag-veto sa SSS pension hike

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinawag na “walang puso”ni Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares si Pangulong Aquino matapos nitong i-veto ang panukalang SSS pension increase.

Sinabi ni Colmenares, pangunahing may akda ng House Bill  5842, na maituturing na “anti-pensioner, anti-poor at anti-worker” ang Pangulo dahil sa naging hakbang nito.

Ayon kay Colmenares, walang katotohanan na malulugi at mauubos ang pondo ng SSS pagdating ng 2029.

Sinabi ni Colmenares na sa kanilang pag-aaral ang SSS sa US ay may fund life hanggang 2035, hanggang 2027 sa Uni­ted Kingdom at 2033 sa Canada.

Lahat ng SSS ay sinabing malulugi at kakapusin sa pondo pero wala umanong SSS na babagsak kahit saan man sila.

Ayon kay Colmenares, araw-araw ay may milyon pisong kitang nakukuha sila dahil may mga bagong empleado. Oras na tumaas ang emplo­y­ment rate tiyak tumataas ang SSS funds.

Kailangan lang itaas ang antas ng koleksyon para matiyak na tatagal ang pondo ng SSS at tanggalin o bawasan ang perks ng mga opisyal sa SSS.

Ayon kay Colmenares, maaring ma-override ang veto ni PNoy sa pamamagitan ng 2/3 votes ng mga kongresista sa Kamara at mga senador.

Tanong naman ni Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan, bakit vineto ni Pnoy ang SSS pension increase gayung ang mga senior citizen, na silang mga pensioner, ang labis na nangangailangan ng pension increase, at nauna na rin umano itong inihayag ng SSS na ‘financially robust’ sila at maganda ang financial standing.

Sa katunayan, ay halos lumalangoy umano sa naglalakihang bonuses ang mga executive ng SSS.

Kapwa naman hinimok nina Colmenares at Ilagan ang Senado at Kamara na i-override ang Aquino veto upang maging ganap na batas ang SSS pension bill.

ACIRC

ANG

AYON

BAYAN MUNA

COLMENARES

GABRIELA PARTYLIST REP

HOUSE BILL

KAMARA

LUZ ILAGAN

MGA

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with