Protesta ng Pinas sa test flights may lihim na motibo – China

MANILA, Philippines – Walang balak patulan ng China ang protesta ng Pilipinas sa kanilang ginawang test flights sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hong Lei na walang mali sa kanilang ginawang test flights sa Kagitingan Reef o Fiery Cross Reef dahil parte ito ng kanilang freedom of navigation.

Aniya may lihim na motibo ang Pilipinas sa kanilang protesta kaya naman hindi na nila ito sasagutin.

BASAHIN: Sa ginawang ‘test flight’ sa Spratlys bagong protesta vs China, ihahain ng Pinas

"China's inspection and test flights are of professional, technical and civil nature and are conducted for public interests," wika ni Hong.

"The Philippines' accusation is made with ulterior motives and is not worth refuting," dagdag niya.

Inereklamo ng gobyerno ang test flights ng China dahil ito lumapag ito sa pinag-aagawang teritoryo nila ng Pilipinas.

Samantala, umalma rin ang Vietnam sa aktibidad ng China dahil nagdulot ito umano ng banta sa kaligtasan ng kanilang mga commercial flights matapos hindi ipaalam ang test flights sa kanilang aviation group.

Bukod sa Pilipinas ay inaangkin din ng Vietnam ang teritoryo.

 

Show comments