MANILA, Philippines – Makikialam na ang LTFRB sa bagong modus operandi tungkol sa isyu ng ‘dollar rate’ card na ginagamit ng mga tiwaling taxi drayber para lokohin ang mga turistang dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa mga airport observers, kulang sa kaalaman ang mga turistang nagpupunta sa bansa kaya madali silang maloko ng mga tiwaling drayber.
Ayon sa source, kaya malalakas ang loob ng mga taxi drayber sa airport ay may kumukunsinti sa kanila at nagkakaroon diumano ng sabwatan.
Dahil sa pagbatikos ng ilang pasahero sa social media iimbestigahan ng LTFRB ang naturang modus operandi. Kamakailan naging malaking isyu sa NAIA ang tanim-bala scam na naging dahilan para matakot ang mga pasahero sa airport.