MANILA, Philippines – Humupa na ang tensyon at naayos na ang kaguluhan sa Commission on Elections.
Sinabi ni Commissioner Arthur Lim na nagkaayos na sina Comelec Chair Juan Andres Bautista at Commissioner Maria Rowena Guanzon matapos magkainitan dahil sa memorandum ng hepe ng poll body.
“The important thing is that we were able to address the issues and we have ourselves now decided to move forward and to leave all these controversies behind us. So all is well that ends well,” wika ni Lim ngayong Martes.
BASAHIN: Comelec tatalakayin kung may bisa ang komento ni Guanzon sa SC
“All the controversy in the past has now been finally resolved and settled," dagdag niya.
Nagkainitan sina Bautista at Guanzon dahil sa memorandum na ibinigay ng Comelec chair sa commissioner dahil sa ipinasang komento sa Korte Suprema sa kaso ni Sen. Grace Poe.
Inatasan si Guanzon na gumawa ng draft comment ngunit kahit hindi pa ito nakikita ng Comelec en banc ay ipinasa na niya ito sa mataas na hukuman, dahilan para magalit si Bautista.
“Your commission is firmly in good hands. We are united and focused to do the mandate the Constitution has given to us,” pagtitiyak ni Lim.
Samantala, tiniyak din ni Lim na hindi nila naappabayaan ang kanilang trabaho lalo't nalalapit na ang eleksyon.
“We would like to assure each and everyone, especially our people, that the Commission on Elections is firmly on track in all the election timelines even as we speak the voting machines are arriving in Manila and in the port of Manila and the warehousing requirement and all other activities are on track. We are even ahead of schedule,” sabi ni Lim.
Humarap sa mga mamamahayag ang miyembro ng Comelec en banc na sina Bautista, Commissioners Guanzon, Christian Robert Lim, Luie Tito Guia, Al Parreño, Sheriff Abas at Arthur Lim upang ipakita ang kanilang pagkakaisa.