MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang isa sa mga disqualification cases na nakahain laban kay Davao City Mayor at presidential aspirant Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma ng legal counsel ni Duterte na si Atty. Vitaliano Aguirre sa pagsasabing dinismis na ng komisyon ang petisyon ni UP Diliman student council chair John Paulo delas Nieves.
Naghain din ng disqualification case laban kay Duterte sina Elly Pamatong at Rizalito David. Ang tatlong kaso ay nasa ilalim ng Comelec First Division.
Nakasaad sa pamantayan ng Comelec na maaaring ibasura ang petition kung mabibigo ang petitioner na dumalo sa pagding.
Bagama’t wala rin si Duterte sa hearing, regular namang dumadalo ang kaniyang abogadong sina Atty. Vitaliano Aguirre at Atty. Al Argosino.
Ang reklamo ni Delas Nieves ay kaugnay ng pagkwestyon nito sa substitution ng alkalde kay Martin Diño na aniya ay hindi naman legitimate candidate.
Maliban dito, may iba pang disqualification cases na kinakaharap si Duterte.