MANILA, Philippines – Pinaaksyunan ng isang Kongresista ang mabagal na internet connection sa bansa.
Ayon kay Las Piñas Rep. Mark Villar, chairman ng House Committee on Trade and Industry, kailangang masolusyunan agad ang mabagal na internet service dahil sa malaking impact nito sa consumer welfare productivity, right to information at sa ekonomiya.
Bukod dito, dapat na tingnan ang estado nito upang makapagpasa ng kaukulang batas para maresolbahan ang nasabing problema.
Ayon umano sa Akamai, isang major United States-based provider, ang internet connection sa Pilipinas ay may average speed lamang na 2.1 megabits per second (mbps).
Base naman sa datos mula sa isa pang internet metric firm na Ookia na ang bansa ay mayroon lamang general average speed na 3.55 mbps.
Dahil dito kaya naghain ang kongresista ng House Resolution 1658, kung saan nakasaad na nahuhuli ang Pilipinas kung ang pag-uusapan ang internet connection kumpara sa ibang katabing bansa sa Asya.