^

Bansa

Petitioner sa DQ ni Poe nagsumite ng komento sa SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagdududa ang isa sa mga abugadong nagsulong ng kanselasyon ng Certificate of Candidacy ni Senador Grace Poe sa pagkapangulo kung nais ba talaga ng senadora na maging isang Pilipino.

Ito ang pambu­ngad na argumentong inilahad ni Atty. Estrella Elamparo sa kanyang isinumiteng komento sa Korte Suprema kaugnay ng petisyon ni Poe laban sa desisyon ng Comelec En Banc na nagkakansela sa kanyang COC.

Ayon kay Elamparo, ilang mga eksperto ang nagsabi na si Poe ay isang Pilipino sa bisa ng pinaikling porma ng naturalization.

Pero ang problema, kahit aniya ang pagiging “naturalized” Filipino ay tinatanggihan pa ni Poe sa kabila ng kanyang pag-alma laban sa tinatawag na statelessness.

Kaugnay nito, hini­ling ni Elamparo na ibasura ng Korte ang petisyon ni Poe at bawiin ang inisyu nitong temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng desisyon ng Comelec En Banc.

Iginiit ni Elamparo na wala namang na­ging grave abuse of discretion ang Comelec nang magdesisyon ito na nakagawa ng material misrepresentation si Poe nang kanyang ideklara na siya ay natural-born citizen at mahigit 10 taon na siyang naninirahan sa Pilipinas pagsapit ng May 2016 Elections.

Giit ni Elamparo, sapat na ang 2012 COC ni Poe para patunayan na kapos siya sa 10-year residency requirement ng mga nais tumakbo sa pagka-pangulo.

Ang deklarasyon umano ni Poe na siya ay mahigit anim na taon na sa Pilipinas sa kanyang 2012 COC ay maitutu­ring na pag-amin laban sa kanyang interes.

Naniniwala rin si Elam­paro na ang period of residency ni Poe sa Pilipinas ay nagsimula lamang noong July 2006 nang aprubahan ng Bureau of Immigration ang kanyang petition for reacquisition of Filipino Citizenship.

Kaugnay naman sa Citizenship ni Poe, iginiit ni Elamparo na si Poe ang may burden of proof para patunayan na siya ay natural born Filipino.

ACIRC

ANG

BUREAU OF IMMIGRATION

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC EN BANC

ELAMPARO

ESTRELLA ELAMPARO

FILIPINO CITIZENSHIP

KANYANG

PILIPINAS

POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with