MANILA, Philippines – Hindi na dapat antayin ni Pangulong Aquino na maging ‘run-away coffin’ ang MRT bago niya sipain si DOTC Secretary Jun Abaya sa kanyang tungkulin.
“Despite the illegal fare hike at the start of 2015, the MRT further deteriorated under Abaya’s watch, with almost daily rail problems and glitches,” ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.
Sinabi rin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na maraming nakakabahalang mga kontrata ang pinasok ng DOTC na pinagdududahan diumano ng publiko sa ilalim ng pamamahala ni Abaya tulad ng privatization contracts ng LRT 1 at Cavitex, na punung-puno ng mga sovereign guarantees at ang PH Trams maintenance contract para sa MRT3 na ibinigay bilang gantimpala sa sinasabing kumpare ni Abaya kahit wala itong diumano’y kakayahan.
“From worse to worst; from better to bitter, the MRT is now emblematic of the failing governance of the exiting Aquino administration,” sabi ni Zarate.