Hindi kami umabuso vs kaso ni Poe - Comelec
MANILA, Philippines – Walang pang-aabuso sa kaso ni Sen. Grace Poe. Ito ang sagot ng Comelec sa petition ni Poe sa Korte Suprema na kanselahin ang disqualification nito sa 2016 presidential race.
Sa 73 page comment ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hindi nang-abuso ang Comelec nang pagtibayin ng dalawang division ng komisyon ang desisyon sa kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) para sa pakapangulo ni Poe.
Paliwanag ng Comelec, hindi maaaring sabihing nang-abuso ang komisyon sa tungkulin kung ang desisyon ay batay sa pamantayan at naaayon sa ebidensiya.
Disyembre 23, 2015 nang kuwestiyunin ni Poe sa SC ang desisyon ng First at Second Division ng Comelec na nagkakansela ng kanyang kandidatura.
Hinabol ng Comelec ang kanilang comment sa kabila ng kawalan ng abogado ng poll body na dedepensa sa kanilang panig, matapos umatras ang Office of the Solicitor General (OSG) dahil kinakatawan na nila ang Senate Electoral Tribunal (SET) na may posisyong pabor sa citizenship ng senadora.
Sa first division ng Comelec en banc, inilabas ang 5-2 pabor sa petisyon nina dating Senator Francisco Tatad, political analyst Antonio Contreras at dating law dean Amado Valdez kung saan kinukuwestiyon ang citizenship at residency ni Poe.
Naging 5-1-1 naman ang desisyon ng Second Division sa petisyon ni Atty. Estrella Elamparo bunsod na rin ng umano’y bigong makakuha ng 10-year residency para sa pagkandidato nito sa pagkapangulo.
- Latest