MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa umiiral na tension sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran kung saan ay marami ang mga OFW.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, mayroong koordinasyon ang gobyerno sa iba’t ibang embahada sa Gitnang Silangan partikular sa Saudi Arabia at Iran upang masiguro ang kaligtasan ng mga OFW’s.
May 1 milyong OFW ang nasa Saudi Arabia habang mahigit 40,000 ang Filipino workers sa Iran.
Pinutol ng Saudi Arabia ang ugnayan nito sa Iran nang lusubin ng mga Iranian ang embahada ng Saudi sa Tehran matapos na mahatulan ng parusang bitay ang Iranian Shia religious leader na si Nimr al-Nimr.