MANILA, Philippines – Muling bubuksan ng Senate Committee on Public Order ang imbestigasyon ng Mamasapano massacre sa unang taon ng anibersaryo ng nasabing insidente kung saan 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang napaslang.
Ayon kay Sen. Grace Poe, chairman ng komite, gagawin nila ang imbestigasyon sa Enero 25 kung kailan gugunitain ang ika-isang taon ng massacre.
Sinabi ni Poe na papakinggan nila ang mga posibleng bagong impormasyon o ebidensiya na ilalabas ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.
Si Enrile ang naggiit na dapat muling buksan ang imbestigasyon ng Mamasapano massacre.
Sinabi ni Poe na binigyan na ng go signal ng Rules Committee ang pagsasagawa ng karagdagang pagdinig sa Mamasapano incident bilang tugon sa hirit ni Enrile na nagsabing may nakuha siyang mga bagong impormasyon at mga ebidensya.
“It’s good that the Rules Committee gave a go signal that additional hearing/s can be called, in response to Minority Leader Enrile’s request to call such, citing his personal information, and possibly new evidence,” ani Poe.