Mamasano probe muling bubuksan ng Senado

44 miyembro ng Phiippine National Police-Special Action Force ang nasawi sa kanilang engkwentro ng Moro rebels sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015. AP file photo

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senate Committee on Rules ang petsiyon nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Vicente "Tito" Sotto na muling buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano, Maguindanao clash.

"The Committee (on Rules) hereby rules that there are no longer any obstacles to the return of the Committee Report No. 120 on the Mamasapano incident," pahayag ni Committee on Rules chair Sen. Alan Peter Cayetano kahapon.

Noon pang Nobyembre 2015 iminungkahi nina Enrile at Sotto na muling buksan ang imbestigasyon upang makuwestyon ang naging tugon ng gobyerno sa engkwentro sa pagitan ng Special Action Force at Moro noong Enero 25, 2015.

Hindi rin nakasama si Enrile noong dininig ang kaso ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs dahil sa pagkakakulong niya.

Pinaboran din naman ng pinuno ng naturang komite si Sen. Grace Poe ang petisyon ni Enrile.

Tiniyak naman ni Cayetano na sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ay hindi na gagalawin pa ang mga naunang resulta.

"If Committee Report No. 120 is returned to the relevant Senate committees with an assertion that there are new matters arising after the report, all previous proceedings subsist and are valid," banggit ni Cayetano.

Nauna na ring nagpahayag ng suporta sina Sens. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Francis "Chiz" Escudero at Sergio Osmeña III sa mungkahi ni Enrile.

 

Show comments