^

Bansa

Petisyon ni David vs Poe ibasura - SET

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinababasura ng Senate  Electoral Tribunal (SET) sa Korte Suprema ang petisyon ni  Rizalito David na kumukuwestiyon sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal na nagsasabing natural-born citizen si Poe.

Sa 28-pahinang kumento na pirmado ni Solicitor General Florin Hilbay, nanindigan ang SET na walang grave abuse of discretion sa panig ng SET.

Naniniwala ang gobyerno na ang mga ‘foundling’ ay mamamayan ng Pilipinas sa ilalim ng 1935 Constitution, ang umiiral na Saligang Batas nang isilang si Poe nuong 1968.

Bilang batayan, inilahad pa ng SET ang bahagi ng deli­berasyon ng 1934 Constitutional Convention na nagpapahiwatig ng intensyon na isama ang mga foundling na mga bata na may “unknown parentage” sa mga dapat makunsidera bilang Philippine citizen.

Sa nasabing deliberasyon, lumitaw na hindi na kailangan pang partikular na tukuyin sa Konstitusyon ang mga batang may “unknown parents” dahil sa ilalim naman ng international law, sila ay itinuturing na mamamayan ng ating bansa.

Dahil dito, lumalabas na ang pagiging tahimik ng 1935 Constitution sa citizenship ng mga foundling ay hindi umano dapat basahin sa paraang sila ay “excluded” o hindi kabilang sa mga itinuturing na mamamayan ng Pilipinas.

Ang pagkilala umano sa mga foundling na mamamayan ng Pilipinas sa ilalim ng Konstitusyon ay batay sa pangunahing prinsipyo ng hustisya para sa mga inosenteng bata na inabandona ng mga magulang.

Dahil lumalabas na may dalawang interpretasyon sa 1935 Constitution, makatwiran lamang na ang paburan ang mas mahalagang prinsipyo ng Saligang Batas, at ito ay hindi para ilagay sa alanganin ang mga foundling.

ACIRC

ANG

CONSTITUTIONAL CONVENTION

DAHIL

ELECTORAL TRIBUNAL

KONSTITUSYON

KORTE SUPREMA

MGA

PILIPINAS

RIZALITO DAVID

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with