MANILA, Philippines – Balik-eskuwela na bukas ang lahat ng estudyante sa kinder, elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, tapos na ang ibinigay nilang 16 araw na Christmas break sa mga mag-aaral kaya bukas, araw ng Lunes ay pasukan na ulit.
Sinabi ng kalihim, dapat ay masunod ng lahat ng paaralan sa bansa ang 201 days school calendar kada taon.
Aniya, kung sakaling na-postpone ang klase bunsod ng kalamidad at iba pang kadahilanan ay kailangang magsagawa ng make-up class ang isang paaralan.
Sa mga pribadong eskuwelahan naman ay nasa may-ari na at school officials nila ang discretionary kung magpapatupad na sila ng balik klase bukas, pero kailangan pa ring sumunod sa 201 days school calendar kada taon.