^

Bansa

Sunog sa pagsalubong sa 2016 mababa – BFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Higit na mababa ang mga naitalang insidente ng sunog sanhi ng mga papu­tok at iba pa sa pagsalubong sa Bagong Taon ng 2016.

Ito ang nabatid kahapon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakapagtala ng 11 insidente ng sunog noong Enero 1, 2016 kumpara noong Enero 1, 2015.

Sa rekord ng BFP nasa 71 insidente ang kanilang naitala sa unang araw ng Enero 2015 samantala sa taong ito ay 11 lamang.

Nabatid na nangunguna nang sanhi ng sunog sa tuwing magdaraos ng pagsalubong sa Bagong Taon ang mga paputok, pyrotechnics, fireworks at iba pa.

Tatlo sa mga nairekord na sunog sa unang araw ng taon ay pawang naganap sa Metro Manila.

Kabilang dito ang sunog sa Tondo kung saan nasa 3,000 ang naapektuhang pamilya na sanhi ng kwitis.

Mananatili naman ang monitoring ng BFP kaugnay ng Iwas /Disgrasya campaign hanggang Enero 5 dahil may mga indibidwal pa ring nagpapaputok na maaring natira sa pagsalubong sa Bagong Taon.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DISGRASYA

ENERO

HIGIT

ITO

KABILANG

MANANATILI

METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with