Dating OSMA, OMMC ngayong 2016 - Erap

MANILA, Philippines - Mapakikinabangan na ngayong 2016 ng mga Manileño ang newly-renovated at fully-equipped na 5-palapag na Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) bilang bahagi ng pagsagip ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa naturang orihinal at pangunahing free health care provider na halos 46 na taon nang hindi naasikaso.? Ayon kay Dra. Regina Bagsic, consultant for Hospital Services and Administration, nang naluklok sa puwesto si Estrada noong 2013   ay dinatnan nito ang naturang ospital sa   napakahinang kondisyon dahil kulang na kulang ang mga kaga­mitan.? Binigyang-diin naman ni Estrada na ang rehabilitasyon ng OMMC na dating Ospital ng Maynila ay naipatupad dahil naayos na ang  pinansyal ng Lungsod at nakabayad na ito sa mga dating pagkakautang.? Ang rehabilitasyon ng OMMC aniya ay isang bahagi pa lang ng komprehensibong P500-million ‘Modernization Program’ ng Maynila para sa mga ospital at 59 health centers sa Lungsod.

Ayon kay hospital director Dr. Edwin Perez, ang OMMC rehabilitation ay sinimulan noong 2014 at matatapos sa second quarter ng 2016, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-47 taon ng ospital.

Sa ngayon aniya ay tapos na ang pagsasaa­yos ng Emergency Room, Intensive Care Unit (ICU), Out-Patient Department (OPD), lobby at administration offices nito.? Dag­dag naman ni Bagsic, ang renovated OMMC ay may Radiology and Imaging Section, Digital X-Ray machine, ultrasound,   fluoroscopy, 32-slice CT scan, MRI, laboratory section with hematology, immunology, microbio­logy at anatomical pathology section. ?“Then, we are shaping up for a blood bank… so  that we can service the rest of our 5 other? hospitals,” aniya, patungkol sa lima pang Manila City hospitals partikular ang Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Show comments