MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bahagi ng Batanes kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sentro ng lindol sa may hilagang silangan ng Itbayat, Batanes ganap na alas 8:53 ng umaga.
May lalim ang lindol na 120 kilometro at tectonic ang origin.
Wala namang inaasahang mga aftershocks matapos ang pagyanig, gayundin ang napaulat na nasaktan o napinsalang ari-arian dito.