Leni tamang tao na magsusulong ng kapakanan ng urban poor

MANILA, Philippines – Kumbinsido ang lider ng isang non-government organization na si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo ang tamang tao na magsusulong ng kapakanan ng urban poor sector.

Sa isang newspaper column, sinabi ni Urban Poor Associates (UPA) executive director Denis Murphy na si Robredo ay akma sa trabaho na iangat ang kalagayan ng mahihirap.

“Siya ay asawa at katuwang ni Jesse Rob­redo sa ilang termino niya bilang mayor ng Naga, kung saan tinutukan niya ang pagpapaangat ng siyudad at kalagayan ng mahihirap,” wika ni Murphy sa kanyang column.

“Umaasa ako na mahahalal si Robredo at sana ilagay siya ng susunod na pangulo sa programang magpapa­lakas sa mahihirap na tao sa bansa,” dagdag pa niya.

Sa kanyang malawak na karanasan sa pagtatrabaho kasama ang mahihirap na sektor, sinabi ni Murphy na epektiong panungunahan ni Robredo ang programa na magtuturo sa mahihirap ng kanilang karapatan sa ilalim ng batas.

“Taglay ni Leni Robredo ang karisma, tradis­yon ng pamilya at pagnanais na magtrabaho para sa mahihirap,” wika pa niya.

Nakikita rin ni Murphy si Robredo bilang akmang tagapamahala sa isang ahensiya ng pamahalaan na nakatutok sa kapa­kanan ng mahihirap sa siyudad, rural at tribal areas.

Show comments