CGMA muling nakalabas ng Veterans

MANILA, Philippines – Muling nakalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo para sa apat na araw na “New Year furlough.”

Lumabas ng VMMC ang convoy ni Arroyo bandang 8:00 ng umaga na sinabayan ng mga tauhan ng police security and protection group at isang ambulansiya,

Pinayagan ng Korte Suprema ang dating pangulo na makapag-Bagong Taon sa kanyang tahanan sa La Vista Subdivision na tatagal hanggang alas-5:00 ng hapon sa Enero 2, 2016.

Una nang nakalabas ng VMMC si Arroyo noong nakaraang linggo at nag-Pasko sa kanyang tahanan.

Naka-hospital arrest ang dating pangulo sa VMMC dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y anomalya sa paggamit ng P365 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Show comments