MANILA, Philippines – Aarangkada na sa Enero 8 ang 23rd Fiesta Fair Manila sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City.
Tinuturing na pinakamalaking post-Christmas clearance sale sa metropolis, ang fair ay magdidiskarga ng pinakamalawak na sari-saring goods sa iisang bubong na tinitiyak na aakit sa mga bargain hunters na inaabangan ang kaganapang ito ngayong panahon.
Ayon sa Fair organizer Prime Asia Trade Planners and Convention Organizers (PATEPCO) na pinamumunuan ni Henry G. Babiera may 1,400 stalls ang itatayo ng manufacturers, mall suppliers, importers, wholesalers at retailers. Tinagurian ni Babiera ang fair na incubator ng micro-industries at would-be entrepreneurs,na idiniin pang ito’y bilang suporta sa “Buy Pinoy Products” na kampanya ng pamahalaan na ilang dekada nang tumatakbo.
Unang inilunsad noong 1993, ang fair, na tatakbo hanggang Pebrero 1, ay naging institusyon na at di nabigong akitin ang daan-daang mamimili mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro-Manila na hangad ng value for money at isang lugar na puede silang mamili nang kumbinyente at ligtas. Simula nung inorganisa ito, pinayabong ng fair ang karera ng mga nagsisimulang negosyante.
Ang store hours ng fair ay mula ika-10:00 N.U. hanggang ika-8:00 N.G. Lunes hanggang Biyernes at ika-10:00 N.U. hanggang ika-9:00 N.G. tuwing Sabado at Linggo.